54

Feb 7, 2020 @ 12:41
By

Tautuaa pipigain ni Austria sa All-Filipino

Sumakay ang San Miguel Beermen sa balikat ni June Mar Fajardo kaya dinomina ang Philippine Cup – limang sunod na kampeonato.

Gumewang lang ang paghahabol nila sa pang-anim dahil sa injury ng 6-foot-10 center. Nagkaroon ng right shin fracture ang reigning five-time MVP sa ensayo noong Lunes, kinabukasan ay inoperahan. Out na siya sa opening tournament ng PBA 45th season na sisiklab sa March 1.

Next-man-up ang sigaw ng Beermen ni coach Leo Austria, hahanapan ng paraan kung paano pupunan ang 18.82 points at 13.64 rebounds na average ni Fajardo.

Habang hindi nakakakuha ng pamalit mula sa trade o free agency, ang mga nasa sariling bakuran muna ang pipigain ng SMB mentor.

Isa rito si Mo Tautuaa, dumating noong season-ending Governors Cup mula NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger. Balik na rin sa Batang Pier ang back-up dati ni Fajardo na si Kelly Nabong.

“Mo has started to step up, maganda naman ang response niya and he’s trying his best to help the team,” balita ni Austria.

Kita rin ng coach ang sipag ng iba sa kagustuhang makatulong, hindi man sa gitna ay kahit sa anong paraan.

“The good thing is, everybody is willing to help,” aniya.

Bukod kay Tautuaa, may veteran pa ang SMB kay Billy Mamaril. At siguradong mapapasabak din si Russel Escoto na nakuha ng Beer mula NorthPort sa Nabong trade.

Nakalistang center/forward si Escoto, kinuha ng Columbian sa special draft ng Gilas noong 2016. Mas naglalaro bilang stretch-4 ang 27-anyos na produkto ng FEU, pero malamang na gamitin siya ni Austria sa gitna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?