72

Mar 8, 2020 @ 22:38
By

Tautuaa nagpakilala! SMB inismol ang Magnolia kahit walang Fajardo

Walang problema kahit pisikalan at walang main man para sa San Miguel Beer.

Maakinang pa ring binuksan San Miguel ang kampanya sa six-peat sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Matindi ang sikuhan at tulakan sa game pero kinakitaan nang angas pa rin ng Beermen na pinulutan ang Magnolia Hotshots 94-78 sa pamumuno ng twin-twin job nina Moala Tautuaa – may 20 points at 11 rebounds – at Arwind Santos na naka-18 markers at 15 boards.

Na-flagrant penalty 1 si Beerman gunner Marcio Lassiter sa pagsiko sa pribadong parte ni Jackson Corpuz ng Pambansang Manok.

Una nang nagkabanggaan sina Corpuz at SMB playmaker Chris Ross.

Ang iskor:

San Miguel Beer 94 – Tautuaa 20, Romeo 19, Santos 18, Lassiter 17, Cabagnot 10, Ross 4, Escoto 3, Zamar 3, Pessumal 0, Gamalinda 0, Comboy 0.

Magnolia Hotshots 78 – Lee 19, Sangalang 16, Corpuz 16, Jalalon 8, Barroca 8, Simon 4, Dela Rosa 3, Melton 3, Banchero 1, Pascual 0.

Quarters: 18-18, 45-33, 69-56, 94-78.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?