69

Mar 7, 2020 @ 21:36
By

Tautuaa kailangang makipagbalyahan

Lumaking bigla ang responsibilidad sa balikat ni Mo Tautuaa sa pagkawala ni June Mar Fajardo.

Ang top pick ng 2015 ang magiging main man ng San Miguel Beer sa papasok na season habang nagpapagaling si Fajardo mula sa inoperahang paa.

Mabigat at malaking responsibilidad, pero handang tugunin ng 6-foot-8 Fil-Tongan na top pick overall noong 2015.

Alam niyang hindi siya Fajardo, pero tanggap ang bagong role.

“I’m gonna get better. I gotta continue to grow in the paint and become a bigger threat in the paint,” wika ni Tautuaa. “It’s obviously not going to be a 7-foot person down there, but it’s going to be someone they gotta respect. And once I earn that respect this conference, our team will flourish.”

Inilatag na ni coach Leo Austria ang magiging papel ni Tautuaa, dumating sa San Miguel noong nakaraang Governors Cup mula NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger.

Una ay kailangan daw niyang ipagbalyahan ang 245-lb frame sa ilalim ng basket.

“We will try our best to have a threat in the post because normally, that’s our setup with June Mar,” lahad ni Austria. “Our shooters cannot shoot if our big cannot score in the shaded area.”

Kapag naging puwersa sa loob ang big, bababa sa kanya ang depensa at masisipat nina Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Chris Ross, Alex Cabagnot at Von Pessumal ang rim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?