183

Dec 13, 2017 @ 15:34
By

Tausug representative, humirit ng nationwide martial law

Iminungkahi ni Kusug Tausug partylist Rep. Shernee Tan na gawing nationwide ang deklarasyon ng martial law dahil sa banta ng rebeldeng komunista.

Sa gitna nang pagtalakay ng joint session ng Senado at Kamara, iginiit ni Tan na meron ding New People’s Army sa Luzon at Visayas.

“Mr. Speaker, there are still NPA and they could also make a tax in Luzon and Visayas, therefore, as representative of Kusug Tausug party-list, I reiterate my stand that martial law should be extended not just in Mindanao but also in Luzon and in Visayas if it serves to the best interest of our nation,” giit ni Tan.

Pero agad namang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “manageable” ang mga banta ng NPA sa Luzon at Visayas kaya hindi na kailangang ipailalim sa martial law ang dalawang rehiyon.

Ipinaliwanag ng kalihim na kaya kasama ang NPA sa Mindanao sa tinukoy na mga banta sa hirit na isang taong martial law extension ay dahil malakas ang puwersa nito doon.

“In Visayas and Luzon manageable po yung activities ng CPP-NPA diyan, kaya I don’t think that would be [advisable] to spread or to include Visayas and Luzon in the martial law,” ayon kay Lorenzana. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?