88

By

Taulava ayaw ng Gilas, gusto Team Pilipinas

Sharing is caring!

Hindi kursunada ni veteran slotman Asi Taulava ng NLEX ang titulong Gilas Pilipinas.

Mas trip ng beterano ang Team Pilipinas. “Don’t call this group Gilas Pilipinas” saad ni Asi.

Ipinaliwanag ng 6-foot-8 center na ang ‘Gilas Pilipinas’ ay hawak na ni coach Yeng Guiao, kung kaya’t mas nararapat na tawagin silang ‘Team Pilipinas’.

“First of all, I wanna correct that. This is coach Yeng’s time. Under coach Yeng’s time, we want to be known as Team Pilipinas,” aniya.

Nais ni Asi na tumingin sa hinaharap at magsimula ng panibagong imahe ang Philippine basketball, at makikita aniya itong pagbabago sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa darating na Setyembre 13 at 17 kontra Iran at Qatar.

Iginiit din ni Taulava na nagkaroon na ng pagbabago ang koponan nang pamunuan ni Guiao ang national team, at isa sa mga signos ay ang perfect attendance ng kanyang 16 na manlalaro.

“As far as everything else, we want to play for coach Yeng. As you can see, complete attendance again for the third straight day,” wika ni Taulava.

Kung kaya’t simula ngayon, wala na aniyang Gilas Pilipinas dahil sabi ni Asi, “remember, we’re Team Pilipinas!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?