Tumaas sa 32 ang bilang ng mga nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na na-test na positibo sa coronavirus disease.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, sa bilang ay sampu na ang nakarekober habang ang iba ay naka-quarantine.
Sa kabila nito, sinabi ni Monreal na hindi kailangang isara ang airport.
Dagdag niya, isinasara naman ang opisina kung saan nakatalaga ang mga empleyado na COVID-19 positive para sa disinfection.
Nagsasagawa rin sila ng contact tracing.