9

Sep 11, 2020 @ 11:20
By

Tauhan ni Cayetano COVID-positive

Nahawa sa coronavirus disease 2019 ang isang consultant sa opisina ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Napaulat na huling pumunta ang nasabing consultant sa House of Representatives noong Agosto 25, at nagpa-test para sa COVID-19 matapos makaranas ng mga sintomas ng sakit.

Dahil dito, pumalo na ang kabuuang bilang ng mga coronavirus infection sa Kamara sa 71.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?