65

Jun 13, 2020 @ 12:36
By

Tauhan ng DENR binugbog, tinutukan ng baril ng pulis sa Palawan

TIndyakan, sinuntok at sa isang punto pa ay tinutukan umano ng baril ang mga tauhan ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) habang nag-iimbestiga sa isang bakawan sa Sitio Bucana sa Palawan noong Miyerkoles.

Tatlong Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) forester, apat na forest ranger, at isang forest protection officer umano ang nagtungo sa bakawan para tingnan ang mga sumbong na may mga iligal umanong nakatira dito.

Dito na nila nakasalubong ang grupo ni Puerto Princesa Police Director P Col. Marion Balonglong, kung saan akala ng mga DENR staff noong una ay kabilang sa kanilang ni-request na police security.

Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang bigla silang padapain ng mga pulis at kinapkapan ang kanilang mga katawan at pinasakay sa service vehicle kung saan dinala sila sa isang bakanteng lote na pagmamay-ari umano ni Balonglong.

Pinaluhod umano ang isa sa mga forest ranger kung saan pinaratangan na binugbog umano ito at tinutukan pa ng baril.

Matapos ang interogasyon ay dinala ang mga ranger at protection officer sa Barangay San Pedro kung saan nagpaliwanag si CENR officer Felizardo Cayatoc, na aprubado ng DENR ang kanilang operasyon at dito na pinag-utos ni Balonglong na pakawalan ang mga ito.

Nanawagan naman si DENR Secretary Roy Cimatu sa mabilis na aksyon sa pag-aresto sa mga tauhan ng kanilang ahensya, at kinondena ang ginawa ni Balonglong.

β€œIt is totally unacceptable that these environmental enforcers who continue to perform their duties despite the COVID-19 pandemic have to suffer violence at the hands of the police, who should be assisting them in their operations,” saad ni Cimatu.

Ayon sa report ng Palawan News, na-relieve na umano sa pwesto si Balonglong at papalitan ni P/Col. Sergio Vivar Jr. bilang hepe ng Puerto Princesa Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?