15

By

TAU chess: Davao bet Miciano tumaktak

Tumulak ng panalo si IM John Marvin Miciano upang makisalo sa second spot matapos ang round 6 ng 2018 Tagaytay Asian Universities chess championships na ginanap sa Tagaytay International Convetion Center sa Tagaytay City.

Kinalos ni Davao City bet Miciano ang kababayang si Daniel Quizon ng Dasmariñas City upang ilista ang 4.5 points at saluhan sina Pinoy IM Paulo Bersamina at FM Theolifus Yoseph Taher ng Indonesia.

Nauwi sa tabla ang laban nina three-peat UAAP Most Valuable Player, (MVP) Bersamina at Taher sa round 6.

Makakalaban ni 18-year-old Miciano sa seventh round si Taher sa event na ipinatutupad ang nine round swiss system habang katapat ni Bersamina si Yiye Wang ng China.

Solo sa tuktok si top seed IM Yi Xu ng China na may five points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?