20

Mar 27, 2018 @ 17:48
By

Tatum, Morris nanguna sa panalo ng Celtics vs Suns

Umiskor si Jayson Tatum ng 23 points at may 20 si Marcus Morris para itakas ang panalo ng Boston Celtics kontra Phoenix Suns 201-94 noong Lunes ng gabi sa Talking Stick Resort Arena.

Nag-ambag si Al Horford ng 19 points, siyam na rebounds at pitong assists para sa Celtics na nakuha ang kanilang apat na sunod na panalo at lumapit ng tatlong laro sa nangungunang Toronto sa Eastern Conference.

“Second night of a back-to-back, we needed a lot of energy to start with, and I felt like we did that as a group,” sabi ni Horford.

Bumandera si Josh Jackson ng 23 points, may 19 si Tyler Ulis at 18 naman si Troy Daniels para sa Suns na nakuha ang kanilang 12 sunod na pagkatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?