17

Sep 26, 2020 @ 3:56
By

Tatum, katropa dapat pumukpok

Hindi matanggap ni Jayson Tatum na bokya as in zero points siya sa first half ng East finals Game 4 nitong Miyerkoles.

Pareho ang produksiyon niya sa first two quarters sa kanyanng jersey number – 0.

Kung naipasok ni Tatum ang ilan sa kanyang anim na bitaw sa first half, apat mula sa 3-point range, baka hindi lumasap ng 112-109 loss ang Boston sa Miami.

Naitabla sana ng Celtics ang series sa tigalawang laro. Pero dahil talo, must-win sila sa Game 5 ngayon para makapuwersa ng Game 6 sa Linggo.

“Unacceptable,” suma ni Tatum sa kanyang scoring performance na sumapaw sa sahog niyang 9 rebounds at 4 assists.

Sa iba ay boundary na ang 28 points, pero hindi kay Tatum dahil siya ang pangunahing offensive weapon ng Celtics. Maliban du’n, kinailangan ng Boston ang kanyang scoring pero hindi dumating.

Mainam ang kontribusyon nina Kemba Walker, Jaylen Brown at Marcus Smart, dapat pumukpok muli mamaya para hindi mapa-exit ang Celtics

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?