92
lea-salonga
Nov 18, 2020 @ 23:26
By

Tattoo simbolo raw ng kriminal: DepEd module pinitik ni Lea

Pinuna ni Lea Salonga ang isang module ng Department of Education (DepEd) na nagdi-discrimate sa mga taong may tattoo.

Sa kanyang Facebook account, binahagi ni Lea ang screenshot ng naturang module mula sa post ng netizen.

Mababasa roon ang tanong na, “Ang tattoo ay simbolo ng ________.”

Ang mga pagpipiliang sagot ay ang mga sumusunod:

A. pagiging kriminal

B. pagkaalipin

C. kagitingan at kagandahan

D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan

Mababasa sa caption ng netizen na, “Letter A ang tamang sagot batay sa key answer from DepEd.”

Kaya napatanong ang Broadway star sa kanyang post kung naaprubahan ng DepEd ang ganoong module.

“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???” sey ni Lea.

Hiniling naman niya sa Facebook user na i-upload ang buong larawan ng module na hindi pa na-edit.

“Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole LETTER A thing covers the rest of it, and we need some context,” aniya.

Samantala, kinumpirma ng DepEd na galing sa kanila ang module na nagsasabing simbolo diumano ng pagiging kriminal ang pagkakaroon ng tattoo.

Ani Usec. Diosdado San Antonio sa panayam sa radyo, mali lang daw ang answer key o tamang sagot na nailagay doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?