639

Nov 6, 2017 @ 16:27

Tattoo ni Maine, naging isyu sa Instagram

Naging sentro ng diskusyon ng fans ni Maine Mendoza ang pinosteng larawan niya sa Instagram ni @alabanggirl.

Sa IG wall makikita si Maine na nakangiti at katabi niya ang babaeng naka-bonnet ng gray at eyeglasses.

Sa ilalim ng photo ay makikita ang magkadikit na talampakan na may naka-tattoo na words. Ang isa ay ‘’PESSIMISTIC”. At ‘yung isa naman ay “OPTIMIST”.

@alabanggirl, “This is it an art of her tattoo.”

Hindi sinabi sa caption kung sino ang may tattoo nito, pero sa diskusyon ng mga comments sinasabing kay Maine ang nasabing tattoo at hindi na dapat pang bigyan ng malaking isyu.

May ilan sa mga comments na hindi pabor sa pagpapa-tattoo ng Eat Bulaga host. ‘Yung iba naman ay sumusuporta sa kung ano ang ipinalagay ng actress-book author sa katawan.

Ayon sa isang follower, matagal na raw ang tattoo na ito ni Maine at nagtataka siya kung bakit ngayon lang ito lumabas.

@menggaytorres, “Matagal na yan hanggang ngayon pinag-uusapan pa yan wala na nga yan dahil henna tattoo lang at hindi nagtatagal kalimutan na yan walang dudulot na maganda sa iba hindi nakakaintindi.”

Depensa ng mga diehard, hindi dapat gawan ng isyu ang tattoo ng kanilang idol dahil nakatago naman ito at hindi lantad.

Kung sakaling magpalagay pa uli ng panibago niyang tattoo ang kanilang idolo, sariling katawan niya ito at karapatan niya ito.

@leonarddisastre, “there’s nothing wrong on that, she can do what she wants cuz she owns her body.”

Ayon sa ilan, ang kahulugan ng pagpapa-tattoo ni Maine ay para maging reminder sa sarili na gawing balanse ang pananaw niya sa kanyang buhay.

@unis0089, “may reason si Meng kaya siya nagpalagay ng tattoo diyan, parang feeling niya hindi niya kaya magteleserye. Wala siyang confidence na magagawa niya yung ts nila ni Alden. Also lumabas din yung rushes niya sa face. Sometime September yun last yr. Siguro stress related lahat. But look at her now, ang galing niya sa telesine nila. Nakipagsabayan siya sa mga veterans sa showbiz like Buencaminos. Good job maine.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?