19
pot-session1
By

Tatlo, huli sa pot session sa Tondo

Sharing is caring!

Kalaboso ang inabot ng tatlong drug addict ,kabilang ang isang babae matapos mahuli sa aktong nag pa “pot session”,kahapon ng madaling araw sa Gagalangin , Tondo,Maynila.

Nasa kustodiya ng ManiLa Police District-Police Station 7,ang suspek na sina Celia Martin Blacer, 42 ;Arsenio Dela Cruz Ochoa, 53 ; at si Lowie Estrella Paniza, 23 , kapwa mga residente ng naturang lugar.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang MPD-PS7,kaugnay sa nagaganap na pot session sa lugar Itinimbre sa Jose Abad Santos Police Station (PS-7) ang ginagawa umanong pot session ng ilegal na droga sa lugar dakong ala 1:15 ng madaling araw.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni PSI Ness Vargas upang beripikahin ang nasabing sumbong dahilan para maaresto ang mga suspek.

Dinala ang mga nahuling droga at paraphernalia sa PNP-CLO para sa forensic examination

Habang nakakulong sa MPD station ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?