41
Vhong
By

Tatay ni Vhong sumisigla na

Sharing is caring!

Nakadama ng sigla si Vhong Navarro nu’ng sumapit ang kanyang kaarawan nitong nagdaang araw. Nag-post siya sa kanyang Instagram ng picture na hawak ang kamay ng ama na nakaratay sa ospital noon.

“Kapit lang, Dad, kaya mo yan. Di ka Niya pababayaan…I love you so much,” nakasaad sa caption ni Vhong.

Sa huling post ng komedyante, may sigla na ang post niya.

“Dad, ang pahiramin pa samin ang buhay mo ang pinakamagandang regalo sa kaarawan ko. Maraming salamat sa patuloy mong paglaban at sa Madlang Pips na patuloy na nagdadasal kay Dad maraming maraming salamat sa inyong lahat,” caption ni Vhong sa latest IG post.

Ilan sa nagdasal sa paggaling ng father ni Vhong sina Robin Padilla at Joross Gamboa. Bumati naman ang Regal sa kanyang kaarawan na waiting sa kanyang availability sa gagawing pelikula. Isa ang movie ni Vhong sa Regal na ‘Woke Up Like This’ na tumabo sa takilya last year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?