68

Sep 15, 2020 @ 17:27
By

Tatay ni Ogie Alcasid pumanaw na

Nagluluksa si OPM icon Ogie Alcasid dahil sa pagyao ng kanyang amang si Herminio Alcasid Sr.

Sa kabila nito, ayon kay Ogie, at peace na siya dahil alam niyang nasa mga kamay na ng Diyos ang kanyang daddy.

Hindi idinetalye ng mister ni Regine Velasquez kung ano ang kinamatay ng ama.

ā€œI will miss you so much Dad. My heart grieves knowing you are gone but i am at peace because you are in the loving arms of our Father in heaven. I love you so much Daddy,ā€ caption ni Ogie sa Instagram post, Sept. 15.

Ilang kasamahan sa showbiz ang nagpahayag ng pakikiramay kay Ogie kabilang na sina Marian Rivera, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla, Janno Gibbs at Gloc 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?