131

Feb 23, 2021 @ 11:05
By

Tatay ni Kai Sotto nagsalita na!

Matipid ngunit malaman ang naging mensahe ni Ervin Sotto tungkol sa sitwasyon ng kanyang anak sa NBA G-League.

Nag-react si Sotto sa Facebook post ng dating PBA player na si Rob Lagabala, kung saan sa naturang post ay sinabi ng ex-Ginebra player na suportahan na lang ang bata sa kanyang NBA dream.

Comment naman ni Ervin sa naturang post, “Ang nakakaintindi lang ng tunay na basketball ang SAKALAM (malakas).”

Sa ngayon ay wala pang nilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Kai, maging ang kanyang handler na East West Private tungkol sa NBA G-League stint ng 7-foot-2 center.

Matapos mausog ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, bumalik na sa Amerika si Kai ngunit hindi pa klaro kung nasa loob na ito ng bubble kasama ang Ignite team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?