15

Nov 15, 2020 @ 19:47
By

Tatay ni Ice Seguerra pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang ama ni Ice Seguerra na si Decoroso Seguerra nitong Linggo ng hapon.

Inanunsyo ito ng sikat na singer sa kanyang Instagram post.

“Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso “Dick” Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipagvideoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra,” saad ni Ice.

“An awesome father, husband, brother, lolo, friend, leader; he has touched many lives by his kindness, gentle support and most of all, his sense of humor,” aniya pa.

Ipo-post niya ang detalye ng burol para sa kanyang ama kapag naplantsa na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?