334
Tatay ni Daniel Padilla, luhaan sa eleksyon
By

Tatay ni Daniel Padilla, luhaan sa eleksyon

Hindi umubra ang kasikatan nina Daniel Padilla at Karla Estrada sa kandidatura ni Rommel Padilla matapos itong mabigo sa ginanap na halalan sa Nueva Ecija.

Natalo si Rommel laban kay Ging Suansing bilang first district congressman ng Nueva Ecija.

Nagpasalamat naman si Karla sa mga naniwala at nagsakripisyo para sa kaniyang ex kahit hindi pinalad na manalo.

“Kayo ang panalo sa amin! Salamat sa pagkakataon na nagkasama sama tayo! Mabuhay kayong lahat mahal na mahal namin kayo. hangang sa muli nating pagsasama. Puso Laban sa Pera. TO GOD BE THE GLORY,” ani Karla sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?