7

Oct 1, 2020 @ 22:25
By

Tatay ni Comelec Commissioner Guanzon pumanaw

Yumao na ang ama ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, gastro intestinal bleeding ang kinamatay ni retired Negros Occidental Judge Sixto Guanzon sa edad na 95.

July 11 lang nang pumanaw ang ina ng commissioner na si dating Negros Occidental Board Member Elvira Guanzon sa edad din na 95.

Si Judge Guanzon ay recipient ng US Congressional Gold Medal dahil sa kabayanihan noong World War II.

Nakapagtapos siya na summa cum laude sa Silliman University sa Dumaguete City, Negros Oriental noong 1948 at cum laude sa Manuel L. Quezon University School of Law taong 1952.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?