53

Nov 29, 2021 @ 22:23
By

Tatay ni Alden sasabak sa eleksyon

Papasukin na rin ng daddy ni Alden Richards ang politika bilang party-list nominee sa 2022 elections.

Ayon sa Politiko report, si Richard P. Faulkerson ang fourth nominee ng ALONA party-list, batay sa listahan ng mga rehistradong party-list na inilabas ng Commission on Elections nitong Lunes.

Kabilang sa mga celebrity na nagpalista bilang party-list nominee sina Karla Estrada, third nominee ng Tingog party-list, at Nora Aunor, first nominee ng NORAA party-list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?