487
aga
May 12, 2018 @ 14:03

Tatay ni Aga Muhlach, patay sa cardiac arrest

Nagluluksa ngayon ang pamilya ni actor Aga Muhlach matapos pumanaw ang ama nito na si Cheng Muhlach sa edad na 71.

Kinumpirma ng manager ng aktor ang pagkamatay ni Cheng ngayong Sabado.

Ayon umano sa manager ni Aga na si Ethel Ramos, sa pagitan ng alas-tres hanggang alas-singko ng madaling-araw namatay si Cheng.

Dinala si Cheng sa St. Luke’s Medical Center nang atakihin ito sa puso noong Mayo 11, ayon sa ulat ng Pep.

Kaninang madaling-araw ay binawian na ito ng buhay habang natutulog sa hospital room.

Ibuburol umano ang mga labi nito sa Heritage Park sa Taguig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?