86
Taxi operator iniwan ng Misis, nagbigti
Jul 12, 2021 @ 8:52
By

Tatay nagbigti, 4 anak muntik pang lasunin

Dahil sa umano’y panloloko ng asawa ay nagpakamatay ang isang lalaki mula sa Santiago City, Isabela.

Ayon sa report ng Police Regional Office 2, isang 39-anyos na lalaki ang natagpuang wala nang buhay matapos nitong magpatiwakal.

Base sa suicide note na iniwan ng lalaki ay napag-alamang may ibang karelasyon umano ang kanyang misis na nagtatrabaho abroad.

Nalaman ding muntik pang lasunin ng tatay ang kanyang apat na anak bago ito magpakamatay sa pamamagitan ng Racumin, isang lason para sa mga daga.

Ngunit hindi ito natuloy matapos makahingi ng tulong ang panganay sa kanilang mga kapitbahay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng ibang kamag-anak ang apat na naiwang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?