228

Nov 18, 2021 @ 23:27
By

Tatay Digs ‘malupet na Marites’

Patok sa mga netizen ang pa-blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential candidate na adik sa cocaine.

Trending ngayong Huwebes ang hashtag na Tatay Digs dahil sa umano’y pagiging “Marites” ng Pangulo.

Dinaig na raw nito ang vlogger na si Xian Gaza na kamakailan ay nag-trending din nang i-post ang tungkol sa dalawang influencer na naghiwalay dahil sa third party.

Si Tatay Digs na raw ngayon ang “ultimate Marites”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?