124

Sep 28, 2020 @ 20:08
By

Tatakbong senadora? Angel Locsin nag-react

Nag-react si Angel Locsin sa screenshot ng YouTube video kung saan sinabi diumano ng aktres na itutuwid niya ang mga mali sa gobyerno kaya tatakbo siya bilang senadora sa ilalim ng Liberal Party.

Binahagi iyon ng aktres sa kanyang Twitter post at sinabing maling propaganda iyon.

Pinayuhan niya ang publiko na mag-ingat at huwag magpaloko sa mga ganoong propaganda.

“Magingat sa mga maling propaganda. Sino ang gumagawa at bakit may effort gawin ito? magingat at wag magpaloko,” sey ng “The General’s Daughter” actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?