34

Oct 13, 2021 @ 20:03
By

Tatakbong mayor dinakma sa checkpoint

Inaresto sa isang checkpoint sa bayan ng Sadanga, Mountain Province nitong Miyerkoles ang isang mayoralty candidate.

Ito ay matapos umano siyang mahulihan ng bloke-bloke at dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.28 milyon.

Kinilala lamang ang suspek na dating pulis at kandidato sa pagka-mayor sa Sabangan sa nabanggit na lalawigan. Dinakip din ang kasama niyang 17-anyos.

Bukod sa marijuana, nakumpiska rin ang isang 9mm na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?