28

Nov 27, 2021 @ 16:20
By

Tatakbong konsi sa Pampanga pinaulanan ng bala

Isang kandidato sa pagka-konsehal sa San Simon, Pampanga ang patay matapos tambangan ang sinasakyan nilang SUV ngayong Sabado.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si Rogelio ‘Jon’ Salvador.

Binabagtas umano ng SUV ni Salvador ang San Simon-Baliwag Road dakong alas-7:30 ng umaga nang bigla na lamang paulanan ng bala ng kanilang nakasalubong ang kanilang sinasakyan.

Agad na nakatakas ang mga suspek.

Bukod kay Salvador, binawian din ng buhay ang kanyang driver, habang isa pang pasahero ang sugatan at isinugod sa pagamutan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng suspek sa krimen at ang motibo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,