300

Oct 1, 2021 @ 21:29
By

Tatakbong gob? VP Leni inilipat voter registration sa CamSur

Inilipat ni Vice President Leni Robredo ang kanyang voter registration mula sa Naga City patungong Magarao, Camarines Sur.

Agad namang itinanggi ng kanyang kampo na may kinalaman ito sa pagtakbo ni Robredo bilang gobernadora sa halip na pagka-pangulo.

Paliwanag ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, ang paglilipat ng Pangalawang Pangulo sa kanyang voter registration sa Magarao municipality ay dahil sa payo ng kanyang mga abogado na nais ang “consistency” sa kanyang tunay na tirahan.

Matatandaang lumutang ang mga balitang pagtakbo ni Robredo na Camarines Sur governor nang magparehistro siya ng national ID sa Magarao at hindi sa Naga City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?