12

Jun 11, 2021 @ 16:30
By

Tatakbo bang Pangulo o hindi? Trillanes minamadali na si Robredo

Tingin ni dating Senador Antonio Trillanes IV, masyado nang huli ang oposisyon sa pagpili ng kanilang manok sa 2022 presidential elections.

Sa panayam ng ‘The Chiefs’ kay Trillanes, sinabi nito na dapat ay may desisyon na sila kung sino ang tatakbo para sa 2022 para makapaghanda na sa tinuturing niyang pinakamahalagang eleksyon buhat noong 1986.

“Actually if you’re gonna be technical about it we’re already too late in the decision making process, kasi alam niyo yung 2022 we believe it’s the most important elections in history after 1986,” saad ni Trillanes.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng oposisyon ang magiging desisyon ni Vice President Leni Robredo hinggil sa pagtakbo sa 2022, at ayon kay Trillanes ay bagama’t nirerespeto niya si VP Leni ay dapat na itong magsabi ng kanyang intensyon sa nalalapit na eleksyon.

“However having said that, we totally respect decision making process of VP Leni, she went through something none of us went to so we’re allowing her all the space she needs for that decision,” lahad ni Trillanes. “But at the same time, we also need to remind her she’s on the clock.”

Ayon kay Trillanes, mahalaga na mapag-aralan agad ang magiging stratehiya sa kampanya, at nilinaw na hindi niya gustong isapubliko agad ni Robredo ang kanyang desisyon.

“Make that personal decision, start preparing, spread it dun sa people you trust, para ma-explore na nila, malatag na nila yung pre-campaign plan, campaign plan, people you can trust to run your campaign,” aniya pa.

Ilang buwan pa ang nalalabi bago ang paghahain ng certificate of candidacy sa mga balak na tumakbong Pangulo sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?