236

By

Tatad dumepensa, hindi raw niya sinabing nagpa-kidney transplant si Duterte

Itinanggi ni dating senador Francisco “Kit” Tatad na sinabi niyang sumailalim sa kidney transplant si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang kolum sa diyaryo noong Pebrero 11, sinabi ni Tatad na dalawang source umano niya ang nagsabi na dumaan sa kidney transplant surgery ang Pangulo.

Hindi umano niya kailanman sinabi na may cancer si Digong at sumailalim sa operasyon, kung saan pinayuhan pa nito ang huli na magbasa at huwag lang makinig sa mga impormasyon na sinasabi sa kanya.

Kahapon, Pebrero 14 nang banatan ng Pangulo si Tatad sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan dahil umano sa maling pahayag nito na sumailalim siya sa kidney transplant noong Enero 29.

Gigil pa nitong sinabi na huwag silang magkikita ni Tatad dahil sasampalin niya ito.

“There’s a border between press freedom and pagbabastos ng tao. Pag una kitang makita, iwasan mo ako. P—ina, sampalin kita,” ani Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?