31

Apr 2, 2020 @ 10:29
By

Task Group Laban COVID-19 Water Cluster todo bantay

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Task Group Laban COVID-19 Water Cluster sa mga karagatan at pantalan ng bansa partikular sa mga lugar at rehiyon na nasa ilalim ng ECQ/lockdown.

Ang Task Group ay binubuo ng PCG na siyang lead agency katuwang ang Philippine Navy at ang PNP – Maritime Group na nagbabantay sa mga karagatan ng bansa.

Sa pinakahuling ulat ng PCG, simula March 31 hanggang April 1, nakapag-inspeksiyon na sila ng 2,522 mga barko at iba pang watercrafts sa iba’t ibang pantalan at mga lagusan sa bansa.

Naisalang din sa medical screening at health protocol ang 9,352 na mga tripulante ng mga barko. Habang 633 seaborne operations ang naisagawa upang makatiyak na ligtas ang mga naglalayag at protektado ang publiko laban sa panganib na dulot ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?