86
Pagnanakaw at pagsunog sa KAPA office, isang inside job - Sinas
Aug 18, 2019 @ 18:04

Task group kontra sa nang-ambus ng pulis ikinasa

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ng Quezon City Police District (QCPD) na siyang tututok sa naganap na pananambang sa isang pulis na nakatalaga sa Anonas Police Station 9 nitong Sabado ng gabi, Agosto 17.

Batay sa ulat ni PLt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, dakong alas-sais ng gabi nang pagbabarilin ng ‘riding-in tandem’ si Police Master Sergeant Anthony Lacson, 40, residente ng Brgy. Manuyo 1 sa Las Piñas City.

Kalalabas lang umano ni Lacson sa kanyang trabaho bilang desk officer ng Anonas Police Station 9 at habang sakay ng kanyang motorsiklong Yamaha Mio ay hinabol at pinagbabaril diumano ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo pagsapit sa Anonas Road corner Pajo St. sa Project 2 ng nasabing lungsod.

Nang sumemplang ang pulis, lumapit pa ang mga suspek at muli itong binaril nang malapitan bago tumakas. Wala pang pagkakakilalan ang mga bumaril pero nabatid na may taas na 5’6″ hanggang 5″7″, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot na mga itim na jacket at maong na pantalon.

Bagama’t naisugod sa Quirino Memorial Medical Center si Lacson, hindi siya umabot nang buhay. Lumalabas na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa naganap na pananambang sa nasabing pulis-Anonas.

Kasabay nito, tiniyak ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel na hindi sila titigil sa pagtugis ng mga salarin.

“Umaasa tayo na makikilala agad ang suspect at mahuli sa lalong madaling panahon. Kami po ay nananawagan sa publiko at sa kung sinuman na nakasaksi o may impormasyon sa insidente na makipagtulungan at i-report agad sa amin para makatulong at agarang pagresolba sa kasong ito,” dagdag ng QCPD chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?