193
views
pnp5
By

Task group binuo kaugnay sa pagkamatay ni Tanauan Mayor Halili

Sharing is caring!

Nagtalaga na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa kaso ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya, ang Deputy Regional Director for Operation ng PNP CALABARZON ang mamumuno sa binuong SITG.

Isa naman sa tinitingnang motibo ngayon ni Albayalde sa pagpatay sa alkalde ay dahil sa ipinatutupad nitong walk of shame sa mga naarestong drug personalities.

Maaaring may nasaktan o nasagasaan si Mayor Halili sa kampanya niyang ito.

Kinukumpira naman ni Albayalde kung si Halili ay kabilang sa narcolist ng Pangulo.

Hindi pa rin aniya kumpleto ang report ng crime laboratory sa uri ng baril na ginamit ng gunman kaya hindi pa nila matukoy ngayon kung sniper ito.

Presumption lang na sniper ang ginamit dahil walang nakitang gunman sa pinangyarihan ng insidente.

Alas-8:10 ng umaga kanina habang nasa flag raising ceremony si Mayor Halili ay binaril ito na tumama sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang agarang kamatayan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?