14

Feb 23, 2021 @ 16:17
By

Task force para sa employment recovery bubuuin

Bubuo ang gobyerno ng isang task force na tututok sa pagbangon ng hanapbuhay ng mga manggagawang matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang isa sa mga napagkasunduan sa full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi sa layuning makabangon ang bansa mula sa matinding pagkakalugmok dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Nograles na ang task force ay tatawaging National Employment Recovery strategy (NERS) na layuning magbigay ng mga trabaho at manghikayat ng mga pamumuhunan sa bansa.

Titiyakin ng NERS Task Force na mapabilis ang pagbangon at pagpapalakas ng trabaho sa bansa .

“We recognize that a coherent national strategy can help create a policy environment that encourages generation of more employment and entrepreneurship opportunities,” ani Nograles.

Mahalaga aniyang magkaroon ng pambansang istratehiya para makabalik sa trabaho at magkaroon muli ng hanapbuhay ang 7.2 milyong Pilipino na nawalan ng trabaho simula noong April 2020.

Sinabi ni Nograles na maglalabas ang Pangulo ng Executive Order para sa pagtatatag ng NERS Task Force na pamumunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at magiging co-Chairman ang mga pinuno ng Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skilld Development Authority (TESDA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?