21

By

Task Force NCR katuwang na ng PDEA, PNP sa drug war

Sharing is caring!

Sasabak na rin sa war on drugs ang Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) o Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay ayon sa bagong upong hepe ng JTF-NCR na si Brigadier General Allan Arrojado matapos ang isinagawang turnover of command ceremonies sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Arrojado, pangunahing magiging papel ng JTF-NCR sa war on drugs ay sa intelligence sharing.

Bihasa aniya sa intelligence gathering ang militar at anumang makabuluhang impormasyong makuha ng JTF-NCR ay agad nilang ipapasa sa Philippine National Police (PNP) at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siyang naatasang ahensiya sa kampanya kontra droga.

Sa ngayon ay limitado lang ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP at sa PDEA ngunit kung darating aniya ang panahon na kakailanganin sila para pangunahan ang war on drugs, nakahanda aniya ang JTF-NCR na gampanan ito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }