123

Dec 23, 2017 @ 17:45
By

Task force nakatutok na sa naglahong teenager sa coffee shop

Bumuo na ng task force ang Southern Police District (SPD) para resolbahin ang pagkawala ng isang 17-anyos na dalagita sa Muntinlupa City noong Huwebes.

Ang istorya ng pagkawala ni Patricia ‘Ica’ Policarpio ay viral na sa social media.

Itinalaga ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., si Muntinlupa City police chief, Sr. Supt. Dante Novicio bilang pinuno ng Special Investigation Team Ica.

Si Chief Insp. Ritche Salem naman ang magsisilbing assistant commander for intelligence.

Huling nakita si Ica sa sangay ng Coffee Project sa Lake Front sa East Service Road Sucat, sa lungsod alas-10:53 ng gabi.

Ayon sa kanyang amang si Rufino Policarpio III, ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na sila sa lugar para sunduin ang kanilang anak.

Ngunit tanging ang laptop at cellphone na lang ni Ica ang kanilang nakita sa mesa na inokupahan nito sa coffee shop.

Diumano lumabas si Ica para ipapalit ang kanyang P1,000 at ito na ang huling pagkakataon na nakita siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?