21
sherwin-gatchalian
Aug 22, 2018 @ 13:35
By

Task force na tutugon sa pagtaas ng inflation, likhain na – Gatchalian

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Finance (DOF) na lumikha ng isang multi-agency task force na gagawa ng paraan para mapagaan ang epekto sa mga bilihin ng patuloy na pagtaas ng inflation.

Binigyang-diin na kailangan nang magpakilos ng mga ahensya ng gobyerno para maibsan ang paghihirap ngayon ng marami dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Kailangan na rin umanong pag-isahin ang kilos ng gobyerno dahil kani-kaniya sa ngayong diskarte ang mga departamento at kawanihan ng gobyerno.

Tinawag ito ni Gatchalian na “hodgepodge.”

“It can be a multi-sectoral and multi-departmental task force so that we can come up with a holistic approach to curbing inflation,” sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs.

Isa na umano sa maaaring makatuwang ang Department of Budget and Management.

Sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo, tinukoy na dahilan ng inflation na sumipa nitong Hunyo 2018 sa 5.7 porsiyento ang pagtataas ng presyo ng pagkain dahil sa masamang panahon, mataas na buwis sa petrolyo at mga inuming may asukal, ang pagtataas ng excise tax sa tobacco products, mataas na singil sa kuryente at tubig pati na ang P1 itinaas sa pamasahe sa jeepney.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?