238

Oct 16, 2017 @ 18:15

Pinsala sa giyera sa Marawi inaalam na

Limang Post Conflict Needs Assesment (PCNA) Teams ang pinadala ng Task Force Bangon Marawi sa 24 na barangay sa Marawi City kaninang umaga.

Ayon kay Deputy Administrator, Office of Civil Defense Spokesperson, Task Force Bangon Marawi Asec Kristoffer James Purisima ang bawat team ay binubuo ng mga representative ng National at Local government agencies.

Binubuo aniya ang limang teams na ito ng 145 na miyembro mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tutukoy ng mga naging pinsala ng ilang buwang gyera sa Marawi City(PCNA

Ngunit bago nai-deploy sa Marawi City, isinailalim muna sila sa security briefings at re-orientations kaugnay sa Post Conflict Needs Assesment (PCNA).

Target naman ng grupo na matapos ang data analysis, consolidation, at report developmment sa October 27, 2017.

Ang hakbang na ito na pamahalaan ay paghahanda para rehabilitation sa Marawi City.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?