29

By

Task Force Bangon Marawi, humirit ng martial law extension

Sharing is caring!

Kung ang Task Force Bangon Marawi ang masusunod ay nais nilang mapalawig pa ang Martial Law sa Mindanao para matiyak ang tuloy-tuloy na implementasyon ng mga plano sa pagbangon ng Marawi City.

Sinabi kahapon ni Lanao del Sur Assemblyman Zia Alonto Adiong sa news briefing sa Malacañang na bagamat tapos na ang krisis sa Marawi City, may mga ulat aniya na aktibo ang tecruitment ng ISIS sa ilang bayan sa Mindanao.

Ang umiiral na martial law sa Mindanao ay may bisa hanggang December 31,2017.

Pero sinabi ni Adiong na nakadepende sa assessment ng ground troops sa sitwasyon kung irerekomendang palawigin ang martial law.

“As a local, I would say, the end of the war doesn’t necessarily mean the normalcy of the peace and order situation. The crisis will really start after the war. And there are several reports that we’ve been receiving that the recruitment activity is now ongoing in some other towns,” ang sabi ni Adiong.

Sinabi pa ng Assemblyman na mahalagang maproteksiyunan ang mga sibilyan pari na rin ang mga tumutulong sa rehabilitasyon.

“But if I would be asked right now, I think the necessity of maintaining martial law dictates that, you know, kailangan talaga dahil may pockets of recruitment pa na nangyayari sa paligid ng lake,” ang dagdag na pahayag ni Alonto.

Batay sa intelligence report, umaabot sa P100,000 ang alok ng ISIS para sumapi sa kanila ang mga residente. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?