0
views

By

Tarpaulins na probinsiya ng China ang ‘Pinas, pang-asar – Escudero

Sharing is caring!

Nakakatawang pang-asar.

Ito ang dating kay Senador Chiz Escudero ng kumalat sa Metro Manila ng pulang tarpaulins na nagsasaad ng mga katagang “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Garantisado aniya na kagagawan ito ng mga kalaban ng administrasyon na gustong kantyawan dahil nakikipagmabutihan sa China sa kabila ng militarisasyon nito sa West Philippine Sea.

“Witty at nakakaasar na propaganda pero tiyak ko, hindi galing sa administrasyon dahil parang ibinaon nila ang kanilang sarili,” sabi ni Escudero.

“Bahagi ito ng paninira sa administrasyon at kaya na itong depensahahan ni Harry Roque,” dagdag ni Escudero na tumutukoy sa spokesman ng pangulo.

Nakita ang mga tarpaulin sa mga footbridge sa Pasay City, Quezon City at Makati City kaninang umaga.

Sakto ang pagsulpot nito sa ikalawang taon ng ruling ng Permanent CCourt of Arbitration sa Netherlands na nagbasura sa pag-aangkin ng China sa buong West Philippine Sea (South China Sea).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?