0
views

By

Tarpaulins na probinsiya ng China ang Pilipinas, kagagawan ng kalaban – Palasyo

Sharing is caring!

Naniniwala ang Malacañang na kagagawan ng mga kalaban ng gobyerno ang nasa likod ng mga tarpaulin na ikinalat sa ilang lugar sa Metro Manila na nagsasaad na ang Pilipinas ay probinsiya na ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang mapapala ang gobyerno kung magsasabit ng mga tarpaulins lalo pa at patuloy na iginigiit ng gobyerno ang karapatan sa ilang isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Roque, walang katotohanan ang mga nakasulat sa tarpaulin at walang dudang ang mga kalaban ng gobyerno ang may kagagawan nito.

“I dont think I should even comment. We dont know who hang those tarpaulins. Its absurd and I’m sure its the enemies of our government behind this. So to them, try again you need a better gimmick than that. Certainly, we have nothing to gain by hanging those trapaulins,” ani Roque.

Naniniwala ang kalihim na nanggagatong lang ang mga nagpakalat ng tarpaulin para palakihin ang paniwalang ipinamigay na ng Pilipinas ang teritoryong inaangkin ng China.

Paulit-ulit aniyang sinasabi nj Pangulong Rodrigo Duterte na paninindigan ng gobyerno kung ano ang pag-aari ng Pilipinas at habang hindi pa nareresolba ang usapin ay hahayaang umusad ang relasyon sa China lalo na sa larangan ng ekonomiya.

Sinabi ni Roque na wala silang balak na ipatanggal ang mga nakasabit na tarpaulin dahil mas marami ang interesadong gawin ang mga iyon na trapal o pamunas.

” Wala po kaming gagawin,pero I’m sure may mga taong nais kunin yung tarps at gamitin, siguro pamunas ng sahig o ilalagay sa kubeta. Sayang naman recyclable naman eh,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?