479

Nov 27, 2021 @ 18:40
By

Tarpaulin ng kandidato sa Bulacan, naka-display sa Valenzuela

Naligaw ang isang tarpaulin ng kandidato mula Bulacan dahil nakita pa itong naka-display sa isang poste sa Valenzuela City.

Si Mayor Rex Gatchalian mismo ang nag-ulat ng pangyayari sa kanyang Twitter account ngayong Sabado.

“Dahil lumagpas po sila sa boundary ng Bulacan and Valenzuela…at naligaw sa poste ng ilaw sa Valenzuela…binalik namin sila sa Bulacan,” saad ni Gatchalian sa kanyang post.


Batay sa larawang ipinost ni Gatchalian, ang tarpaulin ay pag-aari nina Bulacan Vice Gov. Willy Sy-Alvarado at dating gobernador Jonjon Mendoza.

Sina Sy-Alvarado at Mendoza ay magtatambal sa tangkang pamunuan ang lalawigan sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?