21
ABANTE-TNT-palasyo-roque-san-mateo
By

Tarpaulin na nagsasabing probinsiya ng China ang PH, kababawan – Palasyo

Sharing is caring!

Pinagkibit-balikat lang ng Malacañang ang gimik ng mga nasa likod ng mga ikinalat na tarpaulin na may nakasulat na ang Pilipinas ay probinsiya ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dapat ay nag-isip ng mas matinding gimmick ang mga kontra sa gobyerno dahil sa kanila rin lumatay ang ginawang pagsasabit ng tarpaulin.

Matalino ang mga Filipino kaya batid ng mga ito kung sino ang nasa likod ng paninira sa gobyerno.

“Well, kababawan po iyan, iyong kanilang nais na mangyari ngayon ‘no. Pero ang sa akin magpasalamat na rin tayo kasi maraming mga kababayan natin ang may tarpaulin ngayon sa kanilang mga ulo, dahil I’m sure hahanapan ng paggamit iyan ng ating mga kababayan. Bagama’t kulay pula, ang tawag natin ‘red propaganda’,” ani Roque.

Hindi rin aniya inaalis ang posibilidad na ang mga makakaliwa ang nasa likod ng mga ikinalat na tarpaulin pero hahayaan na nila ang mga awtoridad na mag-imbestiga at magpataw ng parusa sa mga gumawa nito.

Sinabi ni Roque na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong isinusuko sa China .

“Ay naku, pabayaan na ho natin sila. Iyan po kasi talaga walang magawa sa buhay, eh baka posible rin ‘no. Pero sa amin po eh malinaw naman ang mensahe ng Presidente ‘no, magpapakamatay siya para sa inang bayan at wala namang mga Filipino ang nagdududa para diyan,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?