180

Aug 13, 2021 @ 9:57
By

Tarlac, 17 pang lugar GCQ with heightened restrictions simula Agosto 16 – Palasyo

Inanunsyo ni presidential spokesman Harry Roque na isasailalim sa GCQ with heightened restrictions ang Tarlac at iba pang lalawigan at probinsya simula Agosto 16 hanggang 31.

Kabilang sa mga lugar na ilalagay sa naturang quarantine classification ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon, Batangas, Naga City, Capiz, Antique, Bacolod City, Negros Oriental, at Cebu.

Kasama rin ang probinsya ng Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City na ilalagay sa GCQ with heightened restrictions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?