43

Target na P60B sales sa 2018, nahigitan ng PCSO

Ipinagmalaki ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nahigitan nito ang P60 bilyong target sales sa taong 2018.

Ayon sa datos ng Gaming Product Development and Marketing Sector, kumita ang PCSO ng higit sa P63.5 bilyon noong nakaraang taon.

Tumabo naman ang small-town lottery ng P26 million sales na mas malaki umano kumpara sa P4.7 million hanggang P5 million sa kaparehong panahon noong 2017. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,