26

By

Tarayang Krissy, Mocha Usog wagi sa mga fan

Sharing is caring!

Bentang-benta ngayon sa social media ang naging tapatan nina Krissy (Tetay) at Mocha Usog (Boobay) sa Celebrity Bluff last week kung saan si Tetay ay isa sa mga bluffers at si Boobay naman ang isa sa mga naglalaro.

Hindi raw matatawaran ang husay ng dalawa sa pagpapatawa at tawang-tawa sila sa batuhan ng mga punchline ng dalawang ko­medyante, ang ilan sa mga nabasa namin na mga comment sa social media.

Hindi lang daw ito ang masasaksihan niyo dahil mas maraming pasabog ang hatid ng Celebrity Bluff ngayong sine-celebrate nila ang kanilang 5th anniversary special. Humanda sa month-long good vibes na dala nito sa pangunguna ni Eugene Domingo tuwing Sabado ng gabi sa GMA!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?