1,114

Sep 23, 2021 @ 15:38
By

Taray! Maxene nireplayan ni Jennifer Aniston

Kinilig si Maxene Magalona dahil nag-reply sa kanya ang Hollywood actress na si Jennifer Aniston.

Sa Instagram Stories nitong Huwebes, sinabi ni Maxene na “the best day of her life” ang pagsagot ng American actress sa kanyang post.

Ibinahagi kasi ni Maxene ang hair care product line ni Jennifer at sinabing “forever queen” niya ang aktres simula nang panoorin niya ang sitcom na “Friends”.

“It instantly became my favorite show and Rachelle Green was, without a doubt, my hero. She inspired me so much to be my real, goofy self and still remain sweet and kind to my friends and family,” sey ni Maxene.

“Everyone wanted to be Rachel. Everyone wanted to have Rachel’s hair!” dagdag niya.


Napansin ito ni Jennifer at nag-comment ng heart emoji.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?