2,792

Tara na! Baron Geisler nag-propose sa dyowa

Dating nakilala sa kanyang pagka-beast mode, tila tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Baron Geisler para maging best man para sa kanyang soon-to-be misis na si Jamie Evangelista.

Sa Facebook page ng The Wedding Library, inihayag an gang proposal ni Baron na akala ni Jamie ay simpleng birthday celebration lang.

Ayon sa report ng Cebu Daily News Inquirer, nangyari ang proposal sa huling araw ng photoshoot para sa kaarawan ni Evangelista.

Matapos ang shoot ay may hawak na cake si Baron at binigay kay Jamie, matapos ay bigla itong lumuhod at doon na nangyari ang proposal.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa buhat noong 2018, nanatili naman si Baron sa Cebu matapos ang kanyang rehabilitation dahil sa iligal na droga at nagtayo ng barbershop business. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?