269
koncz
Apr 21, 2018 @ 20:23
By

Tapos ni Roach si Koncz naman, Pacquiao magretiro kapag natalo

Parehong tono ang kinakanta nina American trainer Freddie Roach at manager na si Michael Koncz.

Kapag natalo pa si Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse, panahon na para isabit ang boxing gloves.

Noong isang taon, naagaw ni Australian Jeff Horn ang WBO 147-pound belt ni Pacquiao via unanimous decision. Hindi nagpatumpik-tumpik si Roach at sinabi sa media na oras na para magretiro si Pacquiao at tutukan ang pagiging senador.

Ngayon, si Koncz naman. “If he doesn’t win, it is time to step away,” litanya nito.

Nakatakdang sumagupa si Pacquiao, 39, sa Argentinian WBO welterweight champ na si Matthysse, 35, sa Kuala Lumpur sa Malaysia sa Hulyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?