10

By

Tapos ng ‘saksakan’, Norbert balik aksyon

Sharing is caring!

Mahaba-habang proseso rin ang dinaanan ni Norbert Torres bago naka-recover mula sa sugat nang masangkot sila nina dating De La Salle teammates Jeron Teng ng Alaska at Thomas Torres sa away sa BGC noong June 3.

Isang buwan din halos nagpagaling ang Rain or Shine big man, nitong Linggo ay nakapaglaro na at nagsumite ng five rebounds, two assists sa loob ng 18 minutes sa 106-99 overtime win kontra Meralco.

Sa pang-siyam na panalo sa 10 laro ay sinelyuhan ng Elasto Painters ang top seeding ng PBA Commissioner’s Cup.

Kailangan na lang daw niyang ibalik ang rhythm sa paglalaro.

Pagkatapos ng laro ay pinakita pa niya bakas ng hiwa sa kaliwang braso.

“It took a while before I could come back fully 100 percent, na confident ako,” aniya. “I still have to be aware na I have a cut. It took me a while to get back to it, but then more now it’s just finding my rhythm when I’m playing.”

Wala naman daw siyang trauma, pinasalamatan ang suporta ng team habang nagpapagaling siya.

“They are all behind me, they’re happy na nothing major, nothing serious that happened,” dagdag ni Torres. “I was happy for that. They were behind my back, I was behind theirs while I was still recovering.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?